top of page

"Alone"

Sepia

ISO:400 f/4 1/30sec.

"Ako si Maria Natividad Ramos Banez" 75 taong gulang, tubong Lingayen , Pangasinan. Kasalukuyang naninirahan sa gilid ng munisipyo ng Sangandaan. Mayroon akong anim na anak, apat na lalaki at dalawang babae. Mahirap lamang ako at umuuwi sa Pangasinan tuwing anihan.

"Diyaryo"

"Smile"

ISO:200 F/4 1/30 SEC.

                     Matagal ko na siyang nakikita sa lugar na ito, lagi akong humahanap ng tiyempo para kausapin siya. Naaalala ko pa noong unang beses ko siya makita, 2nd year collage ako noon . Ang buong akala ko isa lamang siyang ordinaryong matanda na naghihintay palagi sa isang Fastfoodchain sa Sangandaan, hanggang sa napadalas na din akong kumakain sa lugar na iyon pagkatapos ng klase. Simula noon nalaman ko na sa lugar na iyon pala siya laging namamalagi. Minsan nagtangka pa akong bigyan siya ng makakain pero pinigilan ako ng aking kasama, baka daw masamain ito ng matanda dahil hindi talaga namin maintindihan kung ano bang ginagawa niya sa lugar na iyon hanggang sa dumating ang pagkakataon na ito.

                    Ilang araw ko din siyang minanmanan, humanap ng tiyempo kung mapapapayag ko siya sa gagawin ko na ito. Noong una mabilis ang aming naging pag-uusap pumayag siya agad, gabing gabi na noon at sinabi kong babalikan ko nalamang siya kinabukasan. Noong pangalawang beses naman nagalit siya at nagmadaling umalis, tila ba hindi na niya ako natatandaan at inakalang isa akong masamang tao. Noong ikatlong beses, linggo ng hapon nakita ko siyang muli sa lugar na iyon at sinubukan siyang muling kausapin kung papayag siya dahil alam kong may istorya sa bawat sulok ng kanyang pagkatao, pumayag naman siya sa aming muling naging pag-uusap at humantong ito sa isang pagkakaibigan. Sa tatlong araw naming pagsasama , marami akong natutunan sa kanya, nalaman ko din ang mga dahilan ng kanyang pamamalagi sa kainang ito, Sa tatlong araw din na iyon, tatlong araw din akong nagpapakilala sa kanya dahil laging hindi na niya ako natatandaan. Sa aking palagay siya ay may karamdaman na at nahihirapan ng makatanda ng kaniyang mga nakakasalamuha sa paligid 

"Looking Back"

Sepia

ISO:200 F/4 1/30 SEC.

                                   "Ako si Maria Natividad Ramos Banez, 75 taong gulang tubong , Lingayen Pangasinan. Mayroon akong anim na anak , apat na lalaki at dalawang babae . Malalaki na sila...."  

                                    Pumasok agad sa isip ko noong sinabi niya ito na bakit wala siyang kasama? Wala man lang bang kumupkop sa mga anak niya kahit isa? Nakakalungkot lamang na nasa ganito ang kaniyang kalagayan, ngunit nang ako'y nagtanong hindi naman daw siya pinababayaan ng kaniyang mga anak. Palagi raw siyang nandito , Paglalakad ng pensiyon ng kaniyang mga kapwa matanda at pagpapa-upa ng lugar sa lansangan ang kaniyang hanap buhay.

"Unforgettable Meal"

ISO:200 F/4 1/30 SEC.

                                   "Palagi akong nandito, pero hindi ako umoorder , wala eh. . Wala akong pera."  Naikwento niya sa akin na lagi siyang dito namamalagi dahil hindi naman siya pinapaalis at nalulungkot lamang siyang umuwi sa kanila dahil kahit madami ang kanyang mga anak, lagi naman itong mga wala sa bahay at nalulungkot siyang mag-isa. "Atleast dito maraming tao malamig pa. Pagdating ng hapon natutulog lang ako nagugulat nalang ako gabing gabi na at madaling araw na hindi ko namamalayan na tumatakbo ang oras ng ganon kabilis."

  Napilitan raw siyang lumuwas ng Maynila dahil mahirap ang buhay sa probinsiya , nag-aambisyong magkaroon ng maganda at mabuting buhay ang kaniyang mga anak ngunit mali ang kanyang desisyon ang inaakala niyang maganda at mabuti at kabaliktaran ang sinapit. "Mas madali ang buhay sa probinsiya, doon kapag nagtanim ako may makakain ako. Yung kapit bahay namimigay eh dito wala talaga, lalong wala kung wala kang natapos at maipagmamalaki , mahirap din makapasok ng trabaho kaya nauwi ako sa ganito." 1980 nang simula siyang makarating dito sa tulong ng kaniyang kapatid ngunit ang tulong na iyon ay panandalian lamang sapagkat kinalaunan ay nakaalitan niya din daw ito.

"Real Tears"

ISO:200 F/4 1/25 SEC.

"P A H I N G A"

ISO:200 F/5.6 1/18 SEC.

"Sadness"

ISO:200 F/4 1/25 SEC.

            "Kasama kong lumuwas ang asawa ko dito sa Maynila, ang kaso lamang eh lagi kaming hindi nagkikita sundalo yun eh , basta bigla ko nalang siyang hindi nakita pero minsan nakikita ko hindi kami nag-uusap."  Naikwento niya rin sa akin kung bakit siya nagtatakip ng diyaryo sa kanyang ulo, "Proteksiyon yan." lagi daw siyang dinuduraan ng mga bata at ng kanyang kapatid . 

             Pumayag siyang sundan ko siya hanggang sa kanyan tirahan ngunit hindi ko na sinubukan sapagkat 11pm na siya araw araw umuuwi sa kanilang tirahan , at siya na rin mismo ang nagbabala sa akin na maraming masasamang tao malapit sa kaniyang tirahan. Ayaw din niyang umuwi ng maaga dahil nasanay na daw siyang gabi dumarating sa kanilang tirahan, at nirespeto ko naman ang kanyang desisyon.

              "Maliit lang naman ang bahay ko anak. Masikip pa ! ahahahahaa sa taas ang mga anak kong lalaki mayroon kasi sa kanilang hindi nagpamilya basta magulo doon at siksikan palage."

​

                                  Naitanong ko sa kanya kung ano ang laman ng kanyang malalaking bag, sinabi niya sa akin na pero daw iyo , mga kalakal. Gagamitin niya daw iyon sa bahay na ngongolekta daw siya ng kung ano anong mga gamit. Minsan medyo kinikilabutan din ako sa mga sinasabi niya nagkukwento din siya ng iba't - ibang kababalaghan sa kanyang pamilya, at marami pang mga kadahilanan ng kaniyang paglisan sa kanilang probinsya. "Yung nanay ko nagpapamana yun sa amin ng mga spell may mga ritwal kaming ganon sa probinsiya, siguro ako nalang ang natitira sa lahi namin , hindi ko naman pinamanahan mga anak ko."

"KALAKAL"

ISO:200 F/4 1/30 SEC.

                                  Sa ikalawang araw na pagbalik ko sa kaniya, alam ko na agad ang mangyayari na hindi niya ako matatandaan. Kaya inulit ko nanaman ang aking pagpapakilala at lahat lahat . Naulit na din ang iba niyang mga ikwinento. "Alam mo anak hindi pa ata ako nakakauwi sa amin hindi ko na alam ang oras napahaba na ang tulog ko basta ngayon ko lang naalalang hindi pala ako umuwi nang kinausap mo ako."

"Remember ME"

ISO:200 F/5 1/13 SEC.

                                Sa huling araw ng pagsubaybay ko sa kanyang buhay natandaan na niya ako. "Ayan naigo na ako ako kasi pipicturan mo ako eh, Alam mo ba sa tinagal tagal ko sa lugar na ito walang kumausap sa akin , ikaw lang maraming salamat kasi nakakalungkot din na wala akong kausap. Mahirap din ang mag-isa anak alam mo yun minsan parang naloloko ako parang nawawala sa sarile kasi lagi akong nagugutom at walang kumakausap kung hindi mo pa ako bigyan ngayon wala sana akong makakain ngayon".

"Last Moment"

ISO:200 F/5.6 1/25 SEC.

               "Pasensiya ka na din kung hindi kita inaanyayahan sa tirahan ko ang totoo kase sa  kalye lang ako nakatira, pati mga anak ko, ang mga apo ko hindi ko na kilala sa dami at kung saan saan na din mga napadpad." Nabanggit niya din na masaya siyang nakilala ako ang inakala pa niya ay isa akong reporter sa TV, nakalimutan niya siguro yung una naming naging pag-uusap. "Mga apo ko pakalat kalat meron diyan sa victory mall, basta nagkakalakal kami." 

​

              " O diba sabi mo huling picture na ito ? basta lagi mong tatandaan mag-iingat ka at kung may kailangan ka andito lang ako sa lugar na ito"

​

​

"Reality"

ISO:200 F/5.6 1/8 SEC.

"In a Distance"

ISO:200 F/4 1/8 SEC.

"A Friend of MINE"

ISO:200 F/4 1/25 SEC.

"Simple things"

ISO:200 F/4.5 1/15 SEC.

"HOPE"

ISO:200 F/5.6 1/8 SEC.

               Kung may natutunan man ako sa kwento ng buhay niya yun ay ang lalo pang magsumukap sa pag-aaral upang hindi danasin ang hirap na kanyang nararanasan sa kasalukuyan. Nakakalungkot mang-isipin na balang araw lahat tayo ay tatanda, maaring tayo ang makalimot o sila mismo na mga tao sa paligid natin ang makalimot sa atin, kaya hangga't tayo ay bata pa gawin na natin lahat ng ating maaring gawin at magtanim ng mabuting gawa sa ating kapwa dahil tayo din ang aani nito sa ating pag tanda.

​

​

"Window"

ISO:200 F/5.6 1/25 SEC.

""Life goes On""

ISO 400 f/5 1/15 SEC

"Red Pants"

ISO:200 F/5.6 1/13 SEC.

bottom of page